BULACAN – NADAKIP ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Plaridel police ang 26-anyos na drug pusher at kanyang kinakasamang 5-buwang buntis makaraang makumpiskahan sila ng shabu at damo sa buy bust operation sa Barangay Sipat, Plaridel kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Lt.Col.Victorino Valdez, Plaridel police chief, ang mga naaresto na sina Raymond Abrazaldon, kabilang sa watch-list ng drug personality sa lugar at kanyang kinakasamang si Marisol Abesamis, 22,buntis at kapwa nakatira sa Barangay Sipat.
Ala-1:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang DEU-Plaridel laban sa live-in partner at hindi na nakapalag ang dalawa matapos kumagat sa entrapment at makumpiskahan sila ng dalawang pakete ng shabu, isang pakete ng damo at buy bust money.
Kapwa nakapiit ang dalawa at nahaharap sa kasong section 5 at 11 ng RA 9165 at matagal nang mina-manmanan ng awtoridad si Abrazaldon bunga ng impormasyong nagtutulak ito ng droga sa kanilang lugar. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.