BUNTIS NA NAGKA-LAMBDA VARIANT, GUMALING

ISANG  local case ng Lambda variant ng COVID-19 ang naitala sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pasyente ay isang 35-anyos na buntis na nagpositibo sa sakit noong Hulyo.

“Base sa aming datos, the patient is a local case, hindi siya returning overseas Filipino,” pahayag pa ni Vergeire, sa panayam sa radyo.

Aniya, walang sintomas ang pasyente at sa ngayon ay nakarekober na ito.

Biniberipika pa naman ng DOH kung nanganak na ang pasyente dahil ang expected delivery date niya ay nitong katapusan ng Hulyo.

“Itong ating kababayan na nagkaroon nito, wala siyang sintomas. Pero siya ay kailangan i-monitor nang maigi dahil buntis po siya,” pahayag pa ni Vergeire.

Nagsasagawa na rin aniya sila ng contact tracing para matukoy kung may nahawahan ng sakit ang pasyente.

Samantala, sinabi pa ni Vergeire na ang Lambda ay nananatili pa rin namang variant of interest, at hindi pa kinaklasipika ng World Health Organization bilang variant of concern.

“Ibig sabihin, hindi ho pa significant para doon sa classification ng variant na ito to affect the population,” aniya.

Nabatid na ang Lambda variant ay unang natukoy sa Peru noong Disyembre 2020. Ana Rosario Hernandez

5 thoughts on “BUNTIS NA NAGKA-LAMBDA VARIANT, GUMALING”

  1. 52575 746234Immer etliche Firmen bentzen heutzutage Interimmanagement als innovatives und ergnzendes Gertschaft i. Spanne der Unternehmensfhrung. Denn hiermit wird Kenntnisstand leistungsfhig, bedarfsgerecht und schnell ins Unternehmen geholt. 383660

  2. 469917 352099Hey, you used to write great, but the last couple of posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past couple of posts are just a little out of track! come on! 482067

Comments are closed.