BUNTIS NA PULIS PATAY SA COVID-19

NADAGDAGAN ang pagluluksa ng nasa 220,000 pulis makaraang maitala ng Philippine National Police (PNP) Health Service ang pagkamatay ang kasamahang buntis dahil sa COVID-19.

“It is with a heavy heart and deep sadness that I announce the untimely demise of another esteemed police officer who was in the frontline in this epic fight against a silent but deadly enemy,” ayon kay PNP Officer-In-Charge, PLGen. Guil­lermo Lorenzo T. Eleazar.

Ang huling fatality sa hanay ng PNP ay pang-36 na kabilang sa bagong apat sa loob lamang nitong isang linggo.

Ang huling biktima ay isang frontliner na police commissioned officer at naka-assign sa Questioned Document Examiner at isa sa mga SOCO Team Leaders sa Valenzuela City SOCO Team na nagpositibo sa RT-PCR test nitong Marso 12.

“She was immediately quarantined at Arkong Bato quarantine facilty then transferred at Dr. Jose Rodriguez Memorial Medical Center and was admitted on March 17, 2021 due to difficulty of breathing,” ayon kay Eleazar.

Marso 18 nang lagyan ng mechanical ventilator at ayon sa kanyang OB-in-charge, nagkaroon ng seizures noong Marso 19, dalawang beses na- extubated at kahapon ng alas- 5:00 ay bumagal ang heart rate, binigyan ng Epinephrine ng 12 beses subalit pumanaw makaraan ang 38 minuto gayundin ang nasa sinapupunan nito. EUNICE CELARIO

One thought on “BUNTIS NA PULIS PATAY SA COVID-19”

Comments are closed.