CAMARINES SUR – KALABOSO ang walong buwan na buntis nang masapol ng closed circuit television (CCTV) ang pagnanakaw nito sa lungsod ng Naga.
Sinasabing si Aileen Lamrana, 28-anyos, ang nasa likod ng ilang insidente ng nakawan sa nasabing lugar.
Palusot ni Lamrana sa umaresto sa kanya na nagawa lamang niya ang pagnanakaw ng cellphone dahil sa kahirapan.
Aminado naman ang suspek na siya ang nakita sa CCTV footage mula sa isang lawfirm establishment kung saan makikita na inutusan nito ang tatlong taong gulang na batang lalaki na kunin ang ilang bag sa lugar.
Ayon sa suspek, halos pitong cellphones ang nakuha niya sa magkakahiwalay na operasyon.
Nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.
Humingi na rin ito ng tawad sa kanyang mga naging biktima. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.