UMANI ng papuri mula kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang dalawang pulis sa Laoac Municipal Police Station sa Pangasinan nang tulungan nila ang isang babae na makapag luwal ng sanggol sa loob ng tricycle.
Hindi nakaligtas kay Eleazar ang ginawa nina PSSG Joey Chapman at PMSG Abegail Somequiab dahil sa walang pag-aatubiling pagtulong nila sa buntis na ginang na lagpas na sa tawag ng kanilang tungkulin.
Una rito, nakararanas na ng paghilab ng tiyan ang babae kaya’t nagpasaklolo na siya sa mga pulis para dalhin siya sa ospital.
Walang pag-aalinlangang tinulungan nila Chapman at Somequiab ang babae na isinakay sa tricycle para dalhin sa ospital. Subalit habang nasa biyahe, nagsimula nang lumabas ang sanggol, dahilan pahintuin ng pulis at tulungan na manganak ng maayos ang babae sa tricycle.
Matagumpay na naisilang ng babae ang kaniyang sanggol sa tulong nila Somequiab at Chapman na isang registered nurse kung saan, dinala sila sa Manaoag Community Hospital para masigurong nasa ligtas silang kalagayan.
Ipinagmalaki ni PGen Eleazar sina Chapman at Somequiab sa pagpapakita nila ng dalisay na pagmamalasakit at pagpapamalas ng tuunay na naglilingkod bayan.
Aniya, “Hindi na bago ang ganitong kuwento na tumutulong ang ating kapulisan sa anumang paraan at tumutugon sa anumang pangangailangan ng komunidad. Ipagpapatuloy lang ito ng ating PNP personnel na laging handang tumulong sa lahat ng pagkakataon,” VERLIN RUIZ
544169 655947You produced some decent points there. I looked on the net to the issue and discovered most people goes together with along along with your website. 128802