“Buntis po ako” — Ria Atayde

O, hayan! Inamin na ni Ria Stayed na buntis siya sa unang baby nila ni Zanjoe Marudo kaya tigilan na ang kung anu-anong speculations. Magpaabot na lang tayo ng congratulations at sana’y maisilang ng maayos ang baby.

Nitong Sunday, June 16, binati ni Ria si Zanjoe ng Happy father’s day dahil magiging tatay na raw nga ito.

xr:d:DAF9gQhhbvA:77,j:2950278359702904700,t:24030409

Sa post ni Ria sa Instagram, “To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you [emoji] Happy first Father’s Day.”

Ani Ria, hindi nila balak i-deny ang kanyang pregnancy. Ngunit gusto umano muna nilang masigurong totoong buntis Siya bago ito i-announce. Mahirap umanong ma-wow mali. Kasi nga, may PCOS siya ay medyo mahihirapang magbuntis. Pero binigyan umano sila ng blessings kaya sobrang magpapasalamat sila sa Diyos.

Sabi pa ni Ria, “We never denied anything. We just didn’t think we owed anyone an announcement.”

May tama ka! Pag artista, dapat lahat, ia-announce ng naman? Deserve din nila ng konting privacy, di ba?

Nung nagpakasal nga sila noong March 23, sa Quezon city, civil rites lang at wala ring imbitado liban sa immediate family members. Ni walang grand ceremony.

Kung fans kayo talaga, ipagdasal na lang ninyong maging maayos ang lahat sa kanyang pregnancy. RLVN