BUONG BANSA ILALAGAY NA SA GCQ, MALIBAN SA METRO MANILA, CEBU AT LAGUNA

GCQ

ILALAGAY na  sa general community quarantine ang buong bansa maliban na lamang sa Metro Manila, Cebu City at Laguna.

Sinabi ni  Presidential spokesman Harry Roque na  idedeklara ang GCQ sa Mayo 16 kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila, Cebu City at Laguna sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Dagdag ni Roque,  ginawa ng Pangulong Duterte ang desisyon base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Infectious Diseases (IATF).

“Lahat ng parte ng Pilipinas (sic), maliban sa Metro Manila, Cebu City, at Laguna, ay mapapasailalim sa general community quarantine, base sa IATF Resolution No. 35-A. Ipatutupad ito simula May 16, kasabay ng modified enhanced community quarantine sa tatlong nahiwalay na mga lugar,” pahayag  pa ng tagapagsalita.

Umiiral ang ECQ sa buong Luzon  hanggang sa Mayo 15.

Comments are closed.