BUKOD sa papalapit ang pagpapalit ng administrasyon at ang nagaganap na insidente ng pagsabog sa Mindanao, inilagay nang Philippine National Police (PNP) sa full alert status ang buong bansa.
Katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), hinigpitan na ang mga seguridad sa paliparan, bus and jeepney terminal at mga daungan gayundin sa mga matataong lugar.
Ito ang nilinaw ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo ang pagsasailalim sa full alert ay bunsod ng mga pagsabog sa Mindanao na ang pinakahuli ay pagkasugat ng dalawang paslit at pagkasugat ng iba pa.
Dahil dito, magdedeploy din ng K9 units ang PNP para magamit sa inspeksyon at magpapakalat din ng mas maraming pulis sa mga transport terminals gaya ng airport, pier at bus terminals.
“Due to recorded series of explosion incidents in Mindanao area, the PNP strengthened its security coverage in transport terminals and hubs through inspection of baggage. The PNP will also deploy EDDs (K9 dogs) for this purpose. We also increased our police presence and visibility in these areas po,” diin ni Fajardo. EUNICE CELARIO