MATAPOS isapubliko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth(SALN), hinamon din ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang mga kapwa mambabatas sa pangunguna na rin nina House Speaker Lord Allan Velasco, House Majoriy Leader Martin Romualdez at iba pang mga matataas na opisyal ng Kamara na ilantad din ang kanilang assets alinsunod na rin sa itinatakda sa Republic Act 6713 o An Act Establishing a Code of Conduct and Ethical Standards for public officials and employees,
Ayon kay Castro, dapat ang mga nasa public service ay may transparency at accountability at ang paglalantad ng kanilang SALN ang isa sa mainam na hakbang para ipakitang wala itong tinatago.
“In the spirit of transparency, accountability and as stated in the RA 6713, all government employees and officials including my colleagues must show to the public their SALN,” pahayag ni Castro.
Matatandaan na limang Makabayan bloc members ng Kamara ang naglabas na ng kanilang SALN kabilang dito sina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, and Eufemia Cullamat; ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago.
Ang pagpapalabas ng SALN ng Makabayan Bloc members ay sa harap na rin ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang buong gobyerno sa katiwalian, bilang tugon sa hamon ay nauna na ang mga nasabing mambabatas sa pagpapakita ng kanilang transparency.
Kinastigo rin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang ginawanag paglilimita ng Office of the Ombudsman sa pag-access sa SALN, aniya, si Ombudsman Samuel Martires ang siyang dapat na lumalaban sa korupsiyon sa gobyerno bilang siyang pangunahing obligasyon ng kanyang tanggapan kaya nakapagtatakang tutol ito sa pagpapalabas ng SALN.
Kamakailan ay nailathala sa mga pahayagan ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman ng isang konsehal laban kay DPWH Regional Diretor Ronnel Tan, asawa ni Quezon Rep. Angelina Tan dahil sa pagpapakita ng sobra- sobrang yaman sa publiko kung saan nagpaagaw umano ito ng P2M sa mga bisita sa kanyang birthday party, bagamat itinanggi ni Tan ang alegasyon.
Isa pa sa nais masilip sa mga SALN ay ang pagkakaroon ng conflict of interest ng mga government official sa hindi nito pagdedeklara ng mga ari-arian at mga shares of stock sa mga negosyo, isa na sa naging matunog sa isyu na ito si House Speaker Velasco na naiulat na may shares sa isang malaking kompanya base na rin sa report mismo ng kompanya noong 2017 kung saan pasok sa top 100 stockholders si Velasco at 2% shares sa Petron Corp. base na rin sa annual report nito noong 2016 kung saan isa na siyang kongresista
Matatandaan na sina dati at yumaong Chief Justice Renato Corona at dating Chief Justice Ma Lourdes Sereno ay kapwa napatalsik sa puwesto dahil sa isyu sa kanilang SALN.
Comments are closed.