IPINAG-UTOS kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasailalim sa buong Luzon sa ‘enhanced community quarantine’ upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“PRRD just announced an enhanced community quarantine in the entire Luzon,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ipinadalang text message sa mga mamamahayag.
Ayon kay Panelo, ‘effective immediately’ ang ipatutupad na ‘enhanced community quarantine’ sa Luzon.
Sinabi ni Panelo na hahayaan naman ng pamahalaan na makauwi pa sa kani-kanilang tahanan ang mga manggagawa.
Tiniyak naman ni Panelo na sapat ang magiging suplay ng pagkain sa Luzon.
Paliwanag pa niya, ang mga kinauukulang local government unit (LGU) ay kailangang bumuo ng kani-kanilang sistema para maipaabot ang kakailanging pagkain at basic needs sa mga tahanan sa kanilang komunidad.
Suspendido rin ang trabaho sa buong Luzon.
Sa ilalim ng enhanced community quarantine, mahigpit na ipatutupad ang home quarantine at mayroon ding presensiya ng mga uniformed personnel upang matiyak na nasusunod ang mga quarantine procedure na dapat na gawin.
“No movement and no transportation except only for frontline health workers, authorized government officials, medical or humanitarian reasons as well as transport of basic services and necessities,” dagdag ni Panelo.
Ang enhanced community quarantine sa buong Luzon ay tatagal hanggang Abril 14,2020. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.