NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng mga ina sa buong mundo ng “Happy Mother’s Day.”
Wish ng Pangulo para sa isang ina ay isang masaya at kuntentong buhay.
Alam umano nito ang hirap ng maging ina dahil nakita niya ang hirap at ginhawa ng kanyang ina para sa kanilang mga anak nito.
“Sa lahat ng mga nanay sa Filipinas at sa buong mundo na lang. Happy mother’s day and i wish you a very happy and contented life. I know how is it to be mother because may nanay ako at nakita ko ang hirap at ginhawa na ginawa n’ya para sa pamilya n’ya. Pero mabuhay kayong lahat mga nanay,” ayon kay Pangulo sa isang video message na in-upload ni dating Special Assistant to the President (SAP) at senatoriable Bong Go sa facebook account ng huli.
Comments are closed.