BUONG PWERSA NG GLOBE GROUP: SUPORTA PARA SA MGA CUSTOMERS, KASADO NA SA KABILA NG MAS MAHIGPIT NA ALERT LEVEL

GLOBE

Libreng WiFi sa mga ospital, inilagay; KonsultaMD hatid ang agarang check-up sa doktor; Antiviral drug kontra Covid, mabibili na sa HealthNow

NANANATILING  bukas ang mga service channels ng Globe para magbigay-serbisyo sa mga customer nito sa kabila ng mas mahigpit na Alert Level 3 sa NCR at karatig probinsya bunsod ng pagsipa sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang customer support Hotline Digital Assistant (02) 7-730-1000 ay bukas magdamag para sa mga self-service transactions ng mga Globe customers, habang ang official Facebook at Twitter accounts ng Globe ay bukas din para sa karagdagang tulong.

Ang mga Globe At Home customers naman ay maaaring mag-subscribe sa mga Viber communities ng Globe At Home, para sa mga tips, updates, at iba pa. Sa kasalukuyan, walong Viber communities ang nakatalaga para magbigay serbisyo sa mga customers mula sa Alabang villages, Ayala Westgrove, Cavite, Cebu, Naga, Legazpi, Davao, at Valenzuela. Para sa iba pang impormasyon, pumunta lamang sa: https://www.globe.com.ph/help/broadband/viber-communities.html.

Maaari ring gamitin ang New GlobeOne app para mag-register sa Prepaid promos, bumili ng load, at mag-redeem ng Globe Rewards points. Sa New GlobeOne app rin maaaring mag-request ng service o account reconnection.

Para sa mga Globe At Home Postpaid customers, ang official Globe At Home app ay maaaring gamitin para malaman ang detalye at mabayaran ang pinakahuling bill, mag-upgrade ng plan, at mag-book ng technician visit. Makasisiguro ang mga customer ng Globe na may nakahandang technician para tumulong sa kanilang mga broadband connection concern sa loob ng 1 hanggang 2 araw.

Libreng GoWiFi sa mga ospital

Makaka-access ng libre at unlimited na internet sa mga piling ospital mula January 5 hanggang January 31, 2022, sa pamamagitan ng GoWiFi – ang pinakamalaking public WiFi service sa bansa. Layunin nito na magbigay ng kinakailangang internet connection para sa mga medical frontliners, pasyente, at kanilang mga mahal sa buhay.

Mayroon ding GoWiFi sa mahigit 3,700 na lugar sa buong Pilipinas, tulad ng mga supermarket, mall, local government units o LGUs, airport, at transport terminal, kung saan magagamit ang libreng internet connection araw-araw.

Para magamit ang GoWiFi, mag-connect lamang sa @FreeGoWiFi o @<site>_FreeGoWiFi hotspots gamit ang WiFi-enabled device. Ang GoWiFi ay magagamit ng users ng kahit anong network.

Para sa karagdagang detalye kung paano at saan magagamit ang Globe GoWiFi, pumunta lamang sa https://www.globe.com.ph/gowifi.html.

Oral antiviral drug kontra COVID-19, mabibili na sa HealthNow

Molnupiravir, ang investigational drug na ginagamit para pigilan ang pagkalat ng COVID-19, ay mabibili na sa HealthNow app. Ayon sa pananaliksik, nakatulong ang Molnupiravir na bawasan ang hospitalization at death rate sa isang trial na ginawa sa mga mild-to-moderately ill patients na may hindi bababa sa isang risk factor sa sakit.

Sa mga COVID-19 positive patients na interesado sa Molnupiravir, maaaring kumonsulta sa doktor sa pamamagitan ng HealthNow app. Maaari ring gamitin ang promo code na MOLNUCON para makakuha ng P100 off sa serbisyong Consult Later.

Nagbibigay ang HealthNow ng mabilis na access sa mga healthcare providers sa pamamagitan ng teleconsultation at medicine delivery. Nalalapit na ring maging available ang home-service diagnostics gamit ang HealthNow app.

Samantala, ang KonsultaMD, isang portfolio company ng 917Ventures – ang pinakamalaking corporate venture builder wholly-owned by Globe, ay nagbibigay sa mga pasyente ng “fast-pass service” sa halagang P500 kada teleconsultation. Sa “fast-pass service”, makasisigurong may makakausap na doktor sa loob ng limang minuto, at may money-back guarantee.

Available pa rin ang mga regular na KonsultaMD plans sa halagang P60 kada buwan para sa mga indibidwal, at P150 kada buwan para sa limang miyembro.

“Dahil sa kalagayan natin ngayon, mas naging bukas ang mga Pilipino na subukan ang telehealth services, dahil na rin sa kagustuhang maging ligtas sa virus habang nananatiling puno ang ating mga hospital. Ang KonsultaMD ay nagseserbisyo sa mga Pilipino para maikonekta ang mga pasyente sa ating mga doktor, para sa mga non-emergency cases,” ayon kay Cholo Tagaysay, CEO ng KonsultaMD.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HealthNow at Konsulta MD, pumunta sa https://www.healthnow.ph/ at https://konsulta.md/.

Kabilang din sa 917Ventures bilang isang portfolio company ang Edventure, isang online platform na nagbibigay-suporta sa mga magulang, guro, at mga school stakeholders.  Ang EdVenture ay nagbibigay ng P500 voucher na maaaring gamitin sa isang tutorial session, gamit ang promo code na HELLOEDV. Layunin nito na matulungan ang mga mag-aaral at ang kanilang mga magulang sa panahon ng mas pinahigpit na health protocols.

Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa EdVenture. Pumunta lamang sa https://edventure.ph/.