BUONG SIMBANG GABI GENERALLY PEACEFUL

NAGING matagumpay ang paglalatag ng seguridad ng Philipine National Police (PNP) sa siyam na Simbang Gabi para na preparasyon sa Kapaskuhan.

Ito ang ipinagmalaki ng PNP Spokesman Col. Jean Fajardo at sinabing walang naitalang untoward incidents simula ng Disyembre 15 kung kailan inilagay sa heightened alert ang PN

“So far relatively peaceful and quiet naman ‘yung naging pag-observe natin ng Simbang Gabi at wala naman tayong naitala na any untoward incident for the past 8 days, “ ayon kay Fajardo.

Aniya, epektibo rin ang ginawa pagpapalakat ang 85% ng kanilang mga tauhan para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Magugunitang sa panimula ng holiday season ay ipinakalat na sa mga mall, iba’t ibang pamilihan, simbahan, bus and jeep terminal, paliparan at daungan ang mga pulis.

Maging ang petty crimes, ayon kay Fajardo ay bumaba rin simula December 1 hanggang December 20.

“Kung pagbabasehan natin ‘yung datos from December 1 to December 20 ay bumaba ng almost 30 percent compared sa same period last year ‘yung ating index crime volume and in fact yung tinatawag na mga focus crimes bumaba rin including ‘yung robbery and theft na ina-anticipate nga natin na tataas dahil Kapaskuhan pero sa datos bumaba ito compared sa same period of last year,” dagdag pa ni Fajardo. EUNICE CELARIO