BUREAU OF IMMIGRATION MAY BAGONG MGA TANGGAPAN

BUBUKSAN at operational na ang bagong tanggapan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ngayong 2024 ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, noong 2023, nagkaroon na ng mga tanggapan ang BI sa mga malls at iba pang lugar na madaling puntahan ng tao, kaya naman balak pa itong dagdagan ng kanilang opisina.

Ang mga tanggapan ng BI sa Cebu Surigao, Las Pinas, Olongapo, at Nueva Ecija ay lumipat na sa mas malaking lugar habang ang kanilang Camiguin Field Office ay nagsimula ang kanilang operasyon sa Provincial Capitol Building sa Pandan Mambajao.

Ang BI physical annual report sa Metro Manila ay lumipat din mula sa BI head office sa ikatlong palapag ng Atrium sa Robinsons Manila habang ang Government Service Express (GSE) Unit sa SM Mall of Asia ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes mula 9 am hanggang 6 pm bukod lamang kung holidays.

Tinitignan ni Tansingco na makapagbukas sila ng kanilang bagong tanggapan sa Siargao, Pagadian, Sorsogon, Davao del Sur, at iba pang kilalang tourist destinations at paglilipat ng iba pang tanggapan sa mas magandang lokasyon.

“We are particularly looking at transferring many of our operations to malls, to make things more convenient for the transacting public,” ayon kay Tansingco. “We want to give quality and comfortable public service,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagbubukas ng mga bagong tanggapan, ilan din sa kanilang mga serbisyo kabilang ang visa extensions ay bukas sa online.

“We are bringing our services closer to the general public to facilitate compliance with immigration policies,” he stated. “With these developments, there will no more excuse not to comply with immigration requirements,” ayon kay Tansingco.
PAUL ROLDAN