LAOAG CITY – NAGSIMULA nang gamitin ng host communities ang pinakamalaking wind power farm sa Burgos, Ilocos Norte para makapag-recycle ng basura at magamit ito ng tama sa pamamagitan ng tamang pamamahala at patuloy na pagsasanay.
Sa pamamagitan din ng Energy Development Corporation’s (EDC) corporate social responsibility program, ilang villagers ng Burgos town lalo na sa Barangays Poblacion, Nagsurot at Saoit ang aktibong nakatutok sa implementasyon ng 10 taong integrated solid waste management plan na ginagawang kapaki-pakinabang ang basura sa komunidad.
Sa isang panayam, sinabi ng EDC’s CSR program head na si Deborah Melchor, isinagawa ang ecobricks workshop noong February 22 sa Burgos town sa pamamagitan ng Green Innovations at Conservation Specialists, Inc. (GICS) na inilunsad ng Bur-gos wind farm para palakasin ang lokal na komunidad tungkol sa waste management.
Naturuan ang villagers ng hands-on training kung paano gumawa ng bricks mula sa recycled plastic wastes.
Tulad sa ibang bahagi ng bansa, sinabi ni Melchor na ang problema sa basura ay isa nang pangunahing alalahanin sa bayan ng Burgos kaya, nagdesisyon ang kompanya na tumulong sa local government units (LGUs) na sumunod sa probisyon ng Republic Act 9003, o ang tinatawag na Ecological Solid Waste Management law.
Sa ngayon, mahigpit na itong mino-monitor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang hindi pag-sunod sa kautusan ay mangangahulugan ng administrative case laban sa LGU.
Bilang benepisyaryo ng proyekto, sinabi ng Poblacion village chief na si Joegie Jimenez nagpapasalamat sila sa pagkakaroon ng EDC bilang kanilang main sponsor sa pagpapatupad ng aktibidades tungkol sa solid waste management.
“It takes a lot of patience, hard work and sacrifice to do it but the price is rewarding,” ani Jimenez, sabay bigay-diin sa ilan nilang waste recycling products na naka-exhibit sa village hall ay binibili at ino-order ng mga balikbayan at ilang mga bisita.
Sa ngayon, ang Poblacion village sa ilalim ng pagbabantay ni Jimenez ay isang modelong barangay pagdating sa waste man-agement.
Sa katunayan, ibinahagi rin ni Jimenez ang best practices ng village sa Liga Congress na ginanap sa Baguio City noong nakaraang linggo. Ito ay dinaluhan ng 745 opisyal ng barangay mula sa Ilocos Norte.
Bukod sa ecobricks making, aktibo rin ang EDC sa massive information and education campaign na na-katutok sa proteksiyon at pamamahala ng kalikasan. PNA
Comments are closed.