BURNOUT SA TRABAHO; MGA SENYALES AT TIPS PARA MAIWASAN

BURNOUT-2

(Ni CT SARIGUMBA)

HINDI maitatanggi ng marami sa ating makadarama ng stress o problema sa opisina. So-brang dami ring dahilan kaya’t nai-stress ang isang empleyado o kahit na boss. Ilan nga ri-yan ay ang sangkatutak na gawain, mga hindi inaasahang problema gaya na lamang ng pagliban o pagkakasakit ng isang katrabaho o kasamahan, biglaang pagdaragdag ng tra-baho, traffic, masamang pakiramdam at marami pang iba.

Kapag matindi na ang stress na nararanasan ng isang indibiduwal, magreresulta ito ng burnout. Ang burnout ay emotionally, physically at mental exhausted. O sa madaling salita, sobrang pagkapagod ng isip, katawan at maging emosyonal na bahagi ng pagkatao.

At dahil sa rami ng nakararanas ng burnout, isinama na ito ng World Health Organization (WHO) sa International Classification of Diseases, na siyang ginagamit globally bilang benchmark para sa health diagnosis.

Ang desisyon ay napagkasunduan ng international body na ikategorya ang burnout bilang medical condition.

Ayon sa WHO ang burnout ay “a syndrome conceptualized as resulting from chronic workplace stress that has not been suc-cessfully managed.”

May mga artista ring nakaranas ng burnout gaya nina Bea Alonzo, Alessandra de Rossi, Beyonce, Selena Gomez, Meghan Markle at marami pang iba.

Ayon kay Bea Alonzo, hindi lamang daw isang beses niyang nais talikuran ang show business dahil sa puntong nakadarama si-ya ng pagod lalo pa’t kabi-kabila ang ginagawang trabaho. Nagkukulong naman daw sa bahay si Alessandra de Rossi kapag naka-darama ng burnout.

SENYALES NG BURNOUT SA TRABAHO

May mga nararamdaman tayong hindi natin gaanong pinapansin. Saka lamang tayo naaalarma kapag lumala na o nasa punto na tayong halos gusto na nating umayaw sa buhay.

Maraming senyales upang malaman nating dumaranas o nagsisimula na tayong makaranas ng burnout gaya ng mga sumusunod:

– walang gana magtrabaho

– walang energy o matinding pagkapagod sa trabaho

– hindi makapag-focus sa ginagawa

– hindi nagagawa ang trabaho nang tama

– negatibo ang pakiramdam kapag nasa trabaho

TIPS PARA MAIWASAN ANG BURNOUT:

MAKIPAG-USAP SA KAIBIGAN AT KAPAMILYA

Ang pagkakaroon ng makakausap na handang makinig ay malaki ang naitutulong upang mapagaan ang bigat na ating nadarama. Marami sa atin ang dinidibdib ang lahat ng problema. Pero walang maidudulot na kabutihan ang pagkimkim ng galit, sama ng loob o kung anumang pakiramdam.

Kaya naman, para mailabas o kahit na papaano ay mabawasan ang nadarama, mainam kung makikipag-usap sa malalapit na kaibigan at kapamilya.

Hindi naman kailangan resolbahin ng kaibigan o kapamilya ang problema. Ang kailangan lang ay handa silang makinig na hindi hati ang kanyang atensyon at walang panghuhusga.

SUBUKANG MAKISALAMUHA SA MGA KATRABAHO

Maraming problema ang maaari na­ting maranasan sa trabaho. Kapag dinibdib natin, paniguradong tayo lang din ang mahihira-pan.

At dahil alam naman nating mara­ming pagsubok na maaari nating kaharapin sa trabaho, mainam kung susubukan na­ting makisalamuha sa mga kasamahan natin sa trabaho nang maging magaan ang pakiramdam at para na rin makapagtrabaho ng matiwa-say.

Nakababawas ng nadaramang burnout ang pakikisalamuha sa mga katrabaho.

UMIWAS SA MGA PASAWAY/NEGATIBONG TAO

Hindi rin nakatutulong ang pakikisa­lamuha sa mga taong negatibo kung mag-isip. Kapag sinabing negatibo kung mag-isip, ibig sabihin sila iyong mga taong mas madalas kung magreklamo kaysa sa ang kumilos.

Ang mga ganitong klaseng tao ay nakauubos ng lakas kaya’t hindi ito makabubuti sa iyong pagtatrabaho, gayundin sa iyong sarili.

MAGHANAP NG MGA BAGONG KAIBIGAN

Marami rin tayong mga bagay na maaaring gawin upang malingat ang a­ting isipan at maging masaya tayo. Gaya na nga lang ang pagbo-volunteer.

Kung may panahon, maaari kang mag-volunteer upang makatulong sa iba. Masarap sa pakiramdam ang makatulong. Hindi lamang iyon, sa ganitong paraan din ay makakikilala ka ng bagong mga kaibigan.

TIME OUT AT MAG-RELAX

 Ugaliing magkaroon ng “Me” time. Kumbaga, gumawa ng paraan upang makapagpahinga at makapagbakasyon.

Napakaraming naidudulot na kagandahan ang pagbabakasyon. Hindi lamang ito nakapagpapa-relax ng katawan at isipan kundi nare-recharge rin tayo kaya’t sa pagbabalik natin sa trabaho, handang-handa tayo at marami tayong bagong ideyang maiaambag sa ating pinagtatrabahuan.

Kaya naman, mag-recharge, hu­minga, mag-isip-isip at mag-enjoy.

SAPAT NA TULOG

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang taong kulang sa tulog, madalas ay i­ri­table, mainitin ang ulo at wala sa pokus. Mahalaga ang pagtulog upang makapagpahinga ang utak ng mabuti.

Oo, abala ang marami pero mas gagan­da ang kalidad ng ating trabaho kung nakapagpapahinga tayo ng maayos.

MAG-EHERSISYO

Mainam din ang pag-eehersisyo sa araw-araw ng kahit na 30 upang gumanda ang pakiramdam at maiwasan ang burnout sa tra-baho.

Ang 10 minutong lakad ay nakapagpapaganda na ng mood.

Habang nag-eehersisyo, huwag ipokus ang isipan sa mga negatibong bagay. Mas alalahanin ang mga magagandang bagay sa paligid o masasayang araw na naranasan.

KUMAIN NG MASUSTANSIYA

Panghuling tips ay ang pagkain ng masustansiyang pagkain at iwasan o bawasan ang pagkain ng matatamis, maaalat at matatabang pagkain.

Marami tayong comfort food gaya ng chocolate, pasta, fries ngunit may panandaliang epekto lamang ito na mapagaan ang ating pakiramdam at mabilis din nitong uubusin ang iyong enerhiya.

At para hindi maubusan ng enerhiya, kumain ng masusutansiyang pagkain.

Sa buhay, hindi naman talaga nawawala ang problema. Gayunpaman, matuto tayong i-handle ito ng tama. At kung ang narara-nasan nating problema ay hindi na natin magawang solusyunang mag-isa, humingi na tayo ng tulong o makipag-usap sa eksperto. (photos mula sa google images).