POSIBLENG sa Agosto 1 na ipatupad ang pagbabawal ng mga provincial bus sa EDSA.
Sa Memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nakasaad ang Route Amendment of Certificate of Public Convenience sa lahat ng provincial buses na magmumula sa north at south na may terminal sa kahabaan ng EDSA.
Sa pahayag ni MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, kung dati ay bawal magbaba ang mga provincial bus ng pasahero sa EDSA, ngayon ay bawal na silang dumaan sa EDSA.
Ang Metro Manila Council (MMC) ang nagsulong nito para makatulong na maibsan ang trapiko sa EDSA.
Tiniyak din niya sa mga mananakay na magkakaroon ng mga alternate terminal.
Tatalakayin ng MMDA kung ano ang window time para makapasok ang mga provincial bus sa EDSA.
Comments are closed.