BUS BAN SA EDSA TULOY-MMDA

MMDA TRAFFIC

TULOY ang implementasyon ng pagba- bawal ng mga provincial bus sa EDSA.

Tiniyak ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kabila ng pagkakahalal ng mga bagong Metro Manila mayors matapos ang  halalan.

Kasalukuyang suspendido ang dry run  para sa provincial bus ban  habang  tinatapos ng MMDA ang guidelines para sa pagpapatupad nito.

“On the provincial bus ban, though we have new mayors, we will still push through with this policy, we just don’t have definite timeline but this will be our priority,”  pahayag ni MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago.

Nitong Mayo 6 ay pansamantalang ipinatigil ng MMDA ang dry run sa provincial bus ban sa EDSA upang maki­pagpulong  sa mga  opisyal ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nauna rito ay ina­prubahan ng Metro Manila Council, ang  policymaking body ng ahensiya na binubuo ng 17 Metro Manila ma­yors, ang pagbabawal sa pag-iisyu ng business permits sa mga bus terminal sa EDSA.

Sinabi ni MMDA EDSA traffic chief Edison ‘Bong’ Nebrija na ang pagsasara sa mga bus terminal na nasa  major thoroughfare  ay maaring maanta-la   dahil sa  pag-upo ng mga bagong halal na alkalde.

Nasa mga bagong mayor umano  ang pagpapasya sa pagsasara ng mga bus terminal na nasa Pasay City at Quezon City.

Nasa 47 bus terminals sa EDSA ang planong buwagin ng MMDA ngayong Hunyo. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.