BUS BUMALIKTAD: 2 TODAS, 20 SUGATAN

Bus

BUKIDNON – KAMATAYAN  ang sinapit ng dalawang babae habang 20 iba pa ang nasugatan makaraang bumaliktad ang pampasaherong bus sa ba­hagi ng Sayre Highway, Sitio Bagong Silang Impa­lutao sa Barangay Impasu­­gong sa nasabing  lalawigan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Marisol Marinay, 23-anyos, at Mary Joy Bongcales, 20-anyos, habang patuloy na ginagamot sa ospital ang mga sugatan.

Ayon sa police report, binabagtas ng bus na Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) lulan ang 36 pasahero nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Leomerde Garcia Velarde dahil sa madulas sa bahagi ng highway.

Gayunman, nagpagulong-gulong ang bus bago bumaliktad sa gitna ng highway kung saan naipit ang dalawang babae sa loob ng bus kung saan naisugod naman sa pagamutan ang mga sugatan.

Nahaharap naman sa kasong kriminal ang driver ng bus na kabilang sa nasugatan. MHAR BASCO

Comments are closed.