SAMAR- LIGTAS mula sa kapahamakan ang 23 katao kabilang ang dalawang driver at 21 locally stranded individuals (LSIs) na lulan ng isang passenger bus na naaksidente sa Sitio Cantaba, Barangay Caticugan, Sta. Rita.
Ayon kay Samar Provincial Police Director, PCol. Andre Dizon, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw kahapon.
Sa imbestigasyon, ang bus ay kinontrata ng pamahalaan sa ilalim ng “Hatid Tulong Program ng Office of the President upang iuwi ang LSIs mula sa Maynila pa-Mindanao.
Gayunman pagsapit sa pakurbang bahagi ng nasabing lugar ay dumulas sa kabilang bahagi ng daanan ang bus dahilan para madaganan ang residential house doon habang naputol din ang kawad ng telcos.
Nagtamo naman ng hindi pa matiyak na danyos ang nasabing sasakyan habang sinabi ni Dizon na ligtas na sa kapahamakan ang mga pasahero. REA SARMIENTO
Comments are closed.