BUS NAHULOG SA BANGIN: 22 TODAS, 12 KRITIKAL

KAMATAYAN ang sinapit ng 22 pasahero habang 12 naman ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa kasalubong na kotse bago nahulog sa malalim na bangin sa bahagi ng Northern Pakistan nitong nakalipas na Martes.

Ayon sa hepe ng pulisya na si Dildar Khan, ito na ang ikalawang deadly accident na naganap sa nabanggit na lugar kung saan ang nasabing pampasaherong bus ay patungong Garrison City ng Rawalpindi mula sa Ghizer District nang maganap ang sakuna malapit sa Shatial village, north of Peshawar sa kapitolyo ng Khber Pakhtunkhwa province.

Kaagad naman naisugod sa ospital ang mga pasahero ng bus at ang karamihang nasugatan ay idineklarang patay habang ang iba pa ay nasa kritikal na kalagayan.

Magugunita na nitong nakalipas na Linggo, aabot sa 17 pasahero ang namatay makaraang mag-head-on collision ang pampasaherong bus at trak malapit sa tunnel ng Kohat district sa northwest Pakistan.

Ipa pang malagim na sakuna ang naganap noong Enero 29 kung saan aabot sa 40 pasahero ang kinarit ni kamatayan makaraang sumalpok ang bus sa konkretong pader bago nahulog mula sa tulay sa southern Pakistan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na karaniwang nagaganap ang sakuna sa Pakistan dahil na rin sa kalumaan ng road infrastructure at hindi pagsunod sa batas trapiko ng mga driver. MHAR BASCO