BUS: SANHI NGA BA NG TRAPIK SA EDSA?

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Sa isyung ito, gagamitin natin ang palasak na kawikaang: “bato bato sa langit ang tamaan huwag maga-galit.

Constructive at makatotohanan ang mungkahi ni Transportation Committee Vice Chairman Congress-man Edgard Mary Sarmiento noong nakaraang taon na tanging “enhanced bus segregation scheme” sa halip na single o driver only ban ang ipatupad sa EDSA.

Ayon dito, ang mga bus talaga ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng matinding traffic sa EDSA dahil sa kawalan ng disiplina sa tamang babaan at sakayan.

Karaniwang inookupa ng mga bus ang apat na lanes ng EDSA at dahil sa kawalan ng disiplina sa loading at unloading, madalas na naiipon ang mga bus para magsakay at magbaba ng mga pasahero at lumilikha ito ng pagbabara sa daan.

Noong ako ay magbakasyon sa bansang Portugal ilang taon na ang nakaraan, isang Filipinong Portu-guese Citizen ang aking nakapanayam na ang hanapbuhay ay pagiging driver ng isang bus company sa Odivelas, Lisbon, Portugal.

Ayon kay G. Pedro Dumaual, walang problema sa pagkakaroon ng traffic congestion sa Lisbon sapagkat orderly ang mga loading at unloading bay sa naturang  lungsod.

Ang mga pasahero ay may kani-kaniyang rutang sinasakyan. Dito, sama-sama kaya ang mga bus ay nag-sisiksikan dahil sa lahat ng loading and unloading bay ay iisa ang rutang hinihintuan.

Ibinigay halimbawa ni G. Dumaual na ‘yung mga pasahero halimbawang pupunta sa Cubao, hindi maaaring sumakay sa loading bay na ang unloading bay ay sa Ortigas at sa Kamuning.

Dito aniya,  walang pinipiling loading and unloading bay ang mga driver ng bus basta’t may pasaherong sasakay, bunton ang mga bus na nagsasakay ng pasahero na ang end result ay ang buhol ng trapiko.

Ipinaliwanag ni Congressman Sarmiento na kahit ipinatutupad nga­yon ang single o driver only ban sa EDSA ay hindi umano ito magi­ging epektibo dahil ma­lilipat lamang sa mga maliliit na daan ang traffic.

Kaugnay nito, hinikayat noon ni Cong. Sarmiento ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na mas magiging epektibo ang pagbabawas sa traffic sa EDSA kung magkakaroon ng well-synchronized dispatch system sa mga bus at estriktong implementasyon ng loading at unloading only zones sa EDSA.

Iminungkahi pa nito na maaaring bumuo ng samahan ang bus companies para mamahala sa maayos na dispatch schedules at operasyon ng mga bus.

Binigyang diin ni Cong. Sarmiento na kung seseryosohin umano ng MMDA ang pagbibigay ng solusyon sa traffic, maiiwasan ang pagkawala ng tatlong (3) bilyong kada araw na  kita ng kaban ng bayan ng Fili-pinas dahil dito.

Napakaganda ng suhestiyon ni Chairman Sarmiento.  Ito ay inilathala natin bilang eye opener sa mga kinauukulang  mga opisyal sa MMDA gayundin sa DOTr na may pananagutan sa pagpapanatili ng mabuting daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

PASAWAY NA DRIVER DAHILAN NG TRAFFIC MESS

Ayon sa ilang traffic observers, una sa lahat, hindi mawawala ang traffic mess sa lahat ng mga  kalsada sa Metro­polis partikular sa EDSA dahil once na dumaan ang sasakyan sa kalsada ‘yun ay maituturing na traffic, nagbabago lang ang traffic it is either light or heavy traffic.

“Ang dahilan naman ng heavy traffic ay hindi pagsunod sa batas trapiko, kapos na mga kalsada idagdag pa rito ang maraming sasakyan lalo na rito sa Kalakhang Maynila subalit hindi talaga sapat ang lawak ng mga kalsada para masuportahan ang bilang ng mga sasakyan,” diin ng mga traffic observer.

Idinagdag pa ng mga ito na ang karamihan sa mga driver ay kulang sa disiplina lalo na ang mga nabibi-lang sa hanay ng pampasadang jeep na walang hinangad kundi ang makaagaw ng pasahero para lumaki ang kita.

LIGTAS NA PAGMAMANEHO

Kasama sa cardinal rule sa pagmamaneho ang:

  1. tiyaking nasa kondisyon ka
  2. tiyaking may kasanayan ka at
  3. tiyaking nasa kondisyon ang sasakyan.

Sa hirap ng buhay, kailangan ng milyon-milyong mamamayan na magmaneho kahit delikado.

Ito ang itinutu­ring na pinakamada­ling hanapbuhay dahil hindi kailangan dito ang mataas na edukasy-on.  Sapat na ang marunong  sumulat, bumasa at marunong humawak ng manibela at magpatakbo ng sasakyan.

Noong ako ay magbakasyon sa California nitong nakaraang dalawang taon, kinapanayam ko si Gng. Mi-tos Constantino, manager ng isang Law Office na ang line of expertise ay Car Insurance Claim for dam-ages due to traffic and other origin of damages na ang tanggapan ay nasa unang palapag ng Wilshire Building na kung saan matatagpuan ang Philippine Consulate office sa ikatlong palapag na nasa 3435 Wilshire Boulevard, Los Angeles .

Ayon Kay Gng. Mitos Constantino, sa estadistikang kanilang nasaliksik sa Australian Journal of Social Issues, taon-taon, tinatayang mahigit kumulang sa 1,200,000 katao sa buong mundo ang namatay sa mga aksidente sa sasakyan.

Bagamat insurance ang kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay, hindi naman sila nagkukulang sa pag-bibigay ng mga payong pangkaunlaran sa mga nagpasiguro ng sasak­yan sa kanilang tanggapan.

I. TIYAKING NASA KONDISYON KA

Ipinahiwatig ni Gng. Mitos na ang isa sa pinakamahalagang hakbang magagawa ng isang drayber para maiwasan ang nakamamatay na aksidente ay magkaroon ng tamang disposisyon habang nasa aktuwal na pagmamaneho.

Bago lumarga sa mahabang biyahe, ma­ka­bubuting itanong ng drayber sa kanyang sarili kung nasa kondisyon ba ang kanyang sarili para sumabak sa mala­yuang paglakakbay.

Aniya, ang isang drayber ay hindi makapagpapasiya ng tama kung pagod na pagod.

Idinagdag ni Gng. Mitos na ang galit, kabalisahan, pagiging excited ay mga emosyong nakaaapekto sa pagmamaneho at puwedeng mauwi sa maling pasiya.

Dapat ding isa­alang-alang ang pisikal na kondisyon ng isang drayber dahil may ­ilang sakit o pinsala na nakaaapekto sa pagmamaneho at kung  may ‘di mabuting pakiramdam makabubuti huwag na munang magmaneho para maiwasan ang ‘di inaasahan.

II TIYAKING MAY MAHABANG KARANASAN

Habang dumarami ang mga sasakyan, partikular sa papaunlad na mga bansa tulad ng Fili­pinas, dumarami rin ang mga baguhang drayber na walang gasinong karanasan sa pagmamaneho.

Kaya makabuluhan para sa isang baguhang drayber na isaalang-alang ang ilang mga bagay para makaiwas sa mga aksidente na puwedeng ma­ging dahilan ng damage to property, physical harm and homicide thru reckless imprudence tulad ng:

  1. Maging alerto. Maging maingat sa posibilidad na mga panganib sa kalsada sa iyong harapan at likuran at maging alisto sa maaaring gawin ng ibang drayber gayundin ang posibleng maging mga pagkakamali nila.

Karamihan sa mga traffic accident ay resulta ng pagtutok sa sinusundang sasakyan (tailgating) kaya ito ay dapat bigyan ng  sapat na espasyo ang sinusundan upang maiwasang mabunggo kung ito ay mag-sudden brake.

  1. Mag-ingat sa mga blind spot at mga panggambala. Huwag umasa sa salamin lang, lumi­ngon para makita ang nangyayari sa paligid.

Iwasan ang mga panggambala habang nagmamaneho.  Huwag gumawa ng kung anu-ano habang nagmamaneho tulad ng pag-gamit ng cellphone, pakikipag-usap sa telepono o paggamit ng ng ibang mga gadget.

III. TIYAKING NA­SA KONDISYON ANG SASAKYAN

Dapat maingat ang drayber. May tact and forsight. Kailangang nasa kondisyon ang minamanehong sasakyan.  Dapat maayos ang preno pati na ang lahat ng mahahalagang bahagi ng sasakyan.

Tiyakin na hindi pudpod ang gulong para hindi dumulas o kumabig ang gulong kung basa ang  lansangan.

Tiyakin din na sapat ang hangin ng gulong para mas madaling kontrolin at ipreno ang sasakyan.

Kapag nagmamaneho sa gabi, dapat gumaganang mabuti ang headlight at kadalasan nang dapat bagalan ang pagmamaneho.

Sa insight na ibinahagi ni kasangguni Gng. Mitos Constantino, lubos na napapasalamat ang Patnubay ng Drayber.

KAPAKANAN NG PASAHERO DAPAT ISAALANG-ALANG

Kung mayroong dapat bigyan ng konsiderasyon ng mga kapasada iyan ay ang kanyang pasahero.  Ito ang ating pinagkukunan ng panustos sa pangangailangan sa ating hapag kainan para sa kapakanan ng mag-anak.

Ang pabigla-biglang bitaw ng clutch at tapak sa accelerator ay tatak ng isang mahinang klaseng drayber.  Marunong silang ma-mili ng kanilang sasakyan tulad ng pagpili sa mabuting kondisyon ng sasakyan, malinis na drayber at pagtatanda sa inuugali ng mga ito sa pagmamaneho.

Kung gustong magkaroon ng maraming pasahero, laging tiyakin ang maingat na pagmamaneho.

Tiyaking nakababa o nakasakay na ang pasahero bago paandarin ang sasakyan.

Likas sa mga drayber ang paghahabol sa oras para makarami ng biyahe at kumita ng malaki.  Ang resulta nito ay ang aksidente na ang laging apektado ay ang mga sumasakay.

Siguruhing nakababa o nakasakay na ang pasahero bago paandarin ang sasakyan.  Marami ang nagagasgasan ng tuhod, binti at siko at nasusubsob sa lupa dahil sa kapabayaan ng mga drayber.

Sa maraming pagkakataon, nagkakaroon ng sigawan, away at mga kauring bagay dahil lamang sa hindi pa man nakauupo ang pasahero sa kanyang upuan ay pinahaharurot na ng drayber ang sasakyan.

Ang laging dahilan ng driver ay wala siya sa wastong babaan at sakayan ng pasahero.  Kung gayon, ano ang dahilan at nagsasa-kay siya at nagbababa sa pook na ipinagbabawal?

LAGING TATAN­DAAN: UMIWAS sa aksidente upang buhay ay bumuti.

HAPPY MOTORING!