CAVITE – UMAABOT sa 19-katao ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa poste ng kuryente sa bahagi ng Epza-Bacao Road, Brgy. Tejero, General Trias City, Cavite nitong Biyernes ng umaga.
Naisugod naman sa tatlong pagamutan ang mga biktimang sina Michellen Jane Mayugba y Villena, 27-anyos; Jeanelyn Angel y Prado, 24-anyos; Roeena Berones y Ting, 44-anyos; Floriza Marcial y Nunez, 31-anyos; Romemarie Sampang y Hernandez, 46-anyos; Heidee Eudela y Abano, 28, anyos; Ma. Arlene Banzon y Degamo, 53-anyos; Robina Le y Simon, 49-anyos; Abegail Centes, 21-anyos; Renz Marlon Corea y Rodriguez, 33-anyos; Christy Bona, 39-anyos; Vivian Diolola y Castro, 51-anyos; Cristina Nuevas y Silvano, 38-anyos; Genalyn Bacaro y Ellorico, 44-anyos; Mary Geace Alabin y Geocado, 33-anyos; China Prinze Cesa y Traya, 20-anyos; Jhonna Reoyo y Perseverancia, 35-anyos; Jose Angelito Guevara y Ricio, 55-anyos; at ang driver ng bus na si Karl Angelo Samson y Palustre, 33-anyos, ng E. Perea Subd., Brgy. Lambingan sa bayan ng Tanza, Cavite.
Sa inisyal na police report ni SSg Ernesto Angue Jr. na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na patungong Tejero junction ang KIA Grandbird Bus na may plakang NCD2008 nang mawalan ng control sa manibela ang driver na si Karl.
At inararo nito ang gutter sa gilid ng highway bago sumalpok sa street light post kung saan nawasak ang windshield gayundin ang kaliwang bahagi ng nabanggit na bus.
Sugatan ang mga biktima kabilang na ang driver ng bus kung saan naisugod naman sa Tanza Specialist Hospital, GT Hospital at sa Divine Grace Hospital.
Ayon sa pulisya, sasagutin naman ng may-ari at driver ng nasabing bus company ang lahat ng hospital bill ng mga biktima. MHAR BASCO