BUS SUPERVISOR, 1 PA NILIKIDA

MAGUINDANAO-INAALAM ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa ginawang paglikida sa Area Supervisor ng Mindanao Star Bus (MSB) at kasamahan nito sa nasabing lalawigan.

Batay sa ulat, kinilala ang mga biktima na sina Datu Khalid Mamasabulod Matalam, may asawa at residente ng Barangay Layog Pagalungan, Maguindanao at isang alyas Dhats Imbran.

Sa pasisiyasat ng Pagalungan PNP, naglalakad ang mga biktima pauwi sa Brgy Layog galing nang lapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na baril.
Agad na binawian ng buhay ang mga biktima matapos na magtamo ng tama ng bala sa kanilang ulo, likod at dibdib.

Nabatid na katatalaga lamang ni Matalam bilang area supervisor ng kompanya kapalit ni Datu Ali Mantil na pinatay din ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Kamakailan lang binaril at napatay si Mantil sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato kaya nabakante ang nasabing posisyon.

Bagaman, blangko pa ang mga awtoridad sa motibo nang pamamaril sa mga biktima, tinitignan naman ang mga motibong may kinalaman sa personal na away sa loob ng kumpanya. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *