KIDAPAWAN CITY – UMAABOT sa 26 katao ang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa Kilometer 110 sa Barangay Amas, Kidapawan City kahapon ng madaling araw.
Alas-2 ng madaling araw nang bumiyahe ang Mindanao Star Bus (DAM 5913) mula sa Ecoland Terminal sa Davao City.
Gayunman, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber dahil sa madulas na highway na dulot ng pag-ulan.
Dito na tuluyang nahulog ang bus sa ‘di kalalimang bangin.
Kasama sa mga sugatan ang daryber ng bus na si Jaypee L. Jose, 36, ng Marber, Bansalan, Davao at ang konduktor na si Yasser M. Abe, 49, ng Barangay Poblacion, bayan ng Pikit, North Cotabato.
Tatlo katao naman ang nasa kritikal na kalagayan kabilang ang 74-anyos na si Joey Arzadan, retiradong pulis at residente ng Making, Parang, Maguindanao.
Naisugod naman sa Amas Provincial Hospital ang mga sugatang biktima MHAR BASCO
Comments are closed.