QUEZON CITY – UPANG matiyak na ligtas ang biyahe ng dagsang uuwi sa iba’t ibang probinsiya para sa paggunita sa Undas, mismong si Philippine National Police (PNP) Officer In Charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa.
Muli ring tiniyak ni Gamboa na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ngayong paparating na Undas.
Ginawa ng heneral ang pahayag makaraang inspeksiyunin ang latag ng security measures sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City kahapon.
Kinumusta ni Gamboa ang mga pasahero at mga nakabantay na pulis at force multipliers gayundin ay saglit itong nakipagpulong sa pamunuan ng nasabing terminal.
Ayon kay Gamboa, inaasahan niyang epektibong maipatutupad ang direktiba niyang paigtingin ang police visibility at ang pagbabantay sa mga tinatawag na areas of convergence.
Sa tantiya ng OIC PNP chief, aabot sa anim hanggang pitong libo ang mga pasahero na daragsa sa Araneta Center Bus Terminal.
Samantala, una nang naglibot si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, BGen. Debold Sinas sa naturang bus terminals para ilatag din ang mahigpit na seguridad.
Batay sa pinakahuling monitoring, normal pa naman ang dami ng mga pasahero. EUNICE C.