QUEZON – DEAD on the spot ang mag-amain na sakay ng motorsiklo matapos mabangga at araruhin ng pampasaherong bus sa Quirino Highway ng Brgy. Bagong Silang, Tagkawayan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Celso Postre Jr., 35-anyos, driver ng motorsiklo, at ang backride na si Christopher Postre, 21-anyos, na kapwa residente ng Del Gallego, Camarines Sur.
Nakilala naman ang driver ng bus na si Armando Ricarte, 37- anyos, at residente ng Gen.Vicente St., Lopez, Quezon.
Base sa report ni PCapt. Tabernilla, hepe ng pulisya, dakong alas-1:00 ng hapon nang maganap ang aksidente, inagawan ng linya at sinalubong umano ng bus ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang biktima na patungo ng Tabugon para magtupada.
Parehong nagtamo ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng agad nitong pagkamatay.
Agad namang naaresto ang suspek na bus driver at kasalukuyang nakakulong sa lock up jail ng Tagkawayan MPS at sinampahan na ng mga kasong RIR in homicide and damage to property. BONG RIVERA
Comments are closed.