BULACAN – DEAD on the spot ang 3 katao habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang mabundol ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sakop ng Brgy. Balite, San Miguel nitong Martes ng gabi.
Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, binabagtas ng kulay pula na tricycle ang southbound lulan ang tatlong pasahero nito nang biglang nag-overtake ang Golden Bee Transport na may plakang CXU-138 patungo naman ng Northbound na nagresulta sa aksidente kung saan tatlo ang nasawi kabilang ang driver at dalawang pasahero na labis na ikinasugat ng dalawa iba pa.
Kinilala ni PNP Provicial Director Col. Satur Ediong ang bus driver na si Joseph Christian Catingnco y Edralin, 35-anyos, binata ng 084 Brgy. Nagmisahan, Cuyapo, Nueva Ecija.
Nabatid na nagkaroon ng collision sa pagitan ng dalawang sasakyan na sanhi ng matinding trahedya.
Agad naman nadala ng mga nakasaksi sa San Miguel District Hospital ang dalawang hindi nakilalang biktima at dalawang iba pa.
Samantala detenido ngayon ang driver sa San Miguel Municipal Jail habang inihahanda ang kasong multiple Homicide at Serious physical Injuries and Damage to Property.
THONY ARCENAL