QUEZON – PATAY ang lima katao habang 10 iba pa ang ginagamot makaraang magbanggaan ang isang passenger bus at delivery van sa bayan ng Pagbilao noong Sabado.
Tinatahak ng truck ang Southbound direction nang mawalan ng control at lumipat ng linya dahilan para mabangga ang kasalubong na bus na biyaheng Leyte.
Ayon kay Police Major Mederic Villarete, hepe ng Pagbilao Police, pinilit pang iwasan ni Reynaldo Sampilo, driver ng bus ang kasalubong na truck, subalit nahagip pa rin sila.
Ayon sa pulisya, nangyari ang aksidente sa bahagi ng New Diversion Road sa bahagi ng Barangay Silangang Malicboy.
Kasalukuyang nasa Quezon Medical Center ang 10 pasahero na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.
Maayos naman ang kalagayan ng 23 pang pasahero na inasikadi sa barangay hall ng Silangang Malicboy.
Nangako naman ang kompanya ng bus na sasagutin ang lahat ng gastos sa hospital at ng mga namatayan.
Muling nagpapaalala ang pulisya ng ibayong pag-iingat lalo na at madalas ang aksidente sa nasabing lugar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.