HINILING ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa konseho na i-extend ang business tax and real property tax payment upang bigyan ng palugit sa pagbabayad habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine para mapigilan ang coronavirus disease (COVID-19).
Ang naturang hakbang ay magbibigay sa mga negosyante ng kahit kaunting “breathing space” o kaluwagan upang makabawi sa kasalu
kuyang paghina ng ekonomiya dahil sa outbreak.
Ang ideya para sa ekstensiyon ay tinalakay ni Rubiano kay City Treasurer Manuel Leycano na agad namang pinag-aralan at nakita ang kahalagahan ng naturang hakbangin.
Nagkasundo rin sila na isama rin sa bibigyan ng extension ang pagbabayad ng market rentals at amusement tax.
Base sa mungkahi ni Rubiano isususog ang iskedyul ng pagbabayad ng real property tax mula sa nakatakdang Marso 31 ay gagawin itong Abril 30 para sa first quarter ng taon.
Ang business tax naman na mula Abril 20 ay gagawing Abril 30 para sa second quarter ng taon.
Ang amusement tax para sa mga sine at theater na mula sa ika-20 araw ng kasunod na buwan ay gagawin itong Abril 30 para sa mga buwan ng Pebrero at Marso na amusement tax obligation. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.