SINIGURO ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tuloy ang serbisyo ng Senado sa taumbayan.
Ani Sotto, na “business as usual” ang Senado at tuloy ang mandato bilang public officials.
Paliwanag ni Sott, magkakaroon ng skeletal schedule sa bawat tanggapan sa Senado kung saan sasailalim din sila sa mahigpit na precautionary measures para masiguro na ang mataas na kapulungan ay COVID-19 free.
Itinatakda rin ni Sotto sa bawat pinuno ng departamento na siguruhin ang operasyon ng kanilang mga tanggapan gayundin na pabilisin ang trabaho nila sa lalong madaling panahon.
Pinaalalahanan naman nito ang mga kapwa Senador na kanselado muna ang lahat ng committee hearing hanggang umiiral ang community quarantine sa Metro Manila na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases matapos itaas sa code red sub-level 1 ang COVID-19 alert system. VICKY CERVALES
Comments are closed.