BUSINESS AS USUAL PARA SA PINAS, CHINA SA KABILA NG CORONAVIRUS

Secretary Ramon Lopez-7

TULOY pa rin ang daloy para sa trade and investment relations sa pagitan ng Filipinas at China sa gitna ng novel coronavirus (2019-nCoV) outbreak, pahayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Lopez kamakailan na ang gobyerno ng Filipinas ay hindi nagkansela ng pangako na sumali sa sa trade and investment expositions sa China, pero magkakaroon ng “extra precautions” sa pagbiyahe sa kalapit na bansa.

Sinabi niya na magpapadala pa rin ang Filipinas ng delegasyon sa tatlong malalaking trade fairs sa China na magaganap sa ikalawang bahagi ng taon.

Sinabi ni Lopez na ang Filipinas ay sasali sa exhibitions ngayong taon sa China, tulad ng China-Asean Expo (CAEXPO) sa Nanning at China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) sa Xiamen sa Setyembre, gayundin sa China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai sa Nobyembre.

“We will continue with that, we are not cancelling any schedules,” pahayag ni Lopez. “It’s business as usual with extra precautions.”

Pagdating naman sa trade, sinabi ni Lopez na ang  2019-nCoV ay maaaring makaapekto sa demand ng produkto, lalo na sa mga probinsiya kung saan may kakaibang daloy ng pagbabago sa consumer behavior.

“They still go out to buy food and I’m sure the demand will still be there,” sabi niya.

Para sa imported Chinese food products, sinabi ni Lopez na siniguro siya ng purchasing managers ng importers na ang mga produkto ay ligtas at hindi magiging tagapagdala ng bagong respiratory disease para dumapo sa mga tao.

Tatanggap pa rin ang DTI ng paparating na business missions mula sa China, pero kailangang sumunod ang delegasyon sa pre-cautionary measures, sabi niya.

“We release suggested protocols as we entertain incoming missions. We just have to do the necessary precautions in terms of masks, as we plan for this, if there is incoming mission,” dagdag niya.

Sa ngayon, wala pa namang naka-schedule na pagbisita mula sa Chinese businessmen o trade officials na patungo rito sa bansa.

Sinabi ni Lopez na ang commercial attachés ng bansa na nakabase sa China ay nakabalik na sa Filipinas dahil sa dalawang linggong Spring Festival holiday sa China.

Babalik sila sa kanilang puwesto sa China matapos ang holiday break. PNA

Comments are closed.