BAGAMAN balot ng kalungkutan, takot at pagkabigla sa pananambang kay dating Mayor Antonio Halili, tuloy ang serbisyo ng Tanauan City Hall sa kanilang mga kababayan.
Sa pagkamatay ni Halili ay awtomatikong magsisilbi si Vice Mayor Jhoanna Corona-Villamayor bilang alkalde ng lungsod.
Alinsunod ito sa itinakda ng Section 44 o “Rule of Succession” ng Local Government Code.
Ayon sa bagong alkalde, malungkot pa rin ang mga kawani ng siyudad dahil sa sinapit ng kanilang mayor.
Si Villamayor ay 30-anyos at bago naging bise alkalde, unang umupo bilang konsehal mula taong 2010 hanggang 2013.
Bukod sa pagiging anak ng dating Tanauan Mayor at ngayo’y Batangas 3rd District Board Member Alfredo Corona, kilala rin ang bagong mayor na pamangkin ng napatalsik noon na si yumaong Supreme Court Chief Justice Renato Corona. EUNICE C.
Comments are closed.