BUSINESS CONFIDENCE BUMABA SA PH ECONOMY

BSP

BUMABA ang kumpiyansa ng business sector sa ekonomiya ng Filipinas habang mas positibo ang mga consumer sa third quarter,  ayon sa pinakahuling survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa resulta ng Business Expectations Survey (BES), ang overall confidence index (CI) ay bumaba sa 37.3% mula sa 40.5% sa second quarter ng 2019.

“The CI is the percentage of firms that answered in the affirmative, minus the percentage of firms that answered in the negative with respect to their views on a given indicator,” ayon sa BSP.

Ang BES ngayong taon ay isinagawa mula Hulyo 10 hanggang Setyembre 10, sa may 1,487 kompanya.

Ayon kay BSP Department of Economic Statistics Director Redentor Paolo Alegre Jr., ang pagbaba ay dahil sa seasonal factors tulad ng paghina ng demand at pagbagal ng business activities tuwing tag-ulan, pagbaba ng orders na nagreresulta sa mas mababang benta, kawalan ng raw materials supply, pinaniniwalaang hindi magandang epekto ng iba’t ibang polisiya ng pamahalaan at mas mahigpit na kumpetisyon.

Kabilang sa mga tinukoy na polisiya ng gobyerno ay ang rice tariffication law at pagbabawal sa provincial buses sa EDSA.

Tumaas naman ang overall consumer index sa 4.6%  sa third quarter, mula sa -1.3% sa second quarter.

Kabilang sa positive drivers ay ang pagbuti ng peace and order situation, pagkakaroon ng dagdag na trabaho, umento sa sahod at maayos na pamamalakad sa gobyerno.

“A positive CI indicates a favorable view,” ayon sa central bank.

Para sa fourth quarter, ang pananaw ng businesses at consumers ay mas maganda.

“The outlook from the business point of view improved for the fourth quarter to 56.1% from 47.6% while the consumers’ out-look improved to 15.8% from 9.7%.

“Among the positive drivers were higher consumer demand during the holiday season, increases in orders and projects, favora-ble macroeconomic conditions, higher government spending, and business expansion.”

Comments are closed.