BUSINESS CONFIDENCE TUMAAS

BUSINESS CONFIDENCE

HIGIT na kumpiyansa ang sektor ng pagnenegosyo sa ekonomiya ng Filipinas habang bumaba naman ang consumer confidence sa fourth quarter ng 2019, ayon sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa fourth quarter Business Expectations Survey (BES), lumabas na ang overall confidence index (BI) ay tumaas sa 40.2% mula sa 37.3% sa naunang quarter.

“The CI is the percentage of firms that answered in the affirmative, minus the percentage of firms that answered in the negative with respect to their views on a given indicator,” paliwanag ng BSP.

Ang BES ay isinagawa mula October 3 hanggang November 25 sa may 1,477 kompanya.

Ayon kay BSP Department of Economic Statistics officer-in-charge Fernando Silvoza, tumaas ang businesses optimism dahil sa mas mataas na consumer demand sa panahon ng Kapaskuhan at anihan; pagtaas ng sales, orders, at projects; mas kaaya-ayang macroeconomic conditions, tulad ng mas mataas na  GDP growth at mas mababang inflation at unemployment rates; mas malaking government spending, partikular sa imprastruktura, at business expansion.

“Firms also cited the anticipated positive impact of the country’s hosting of the 2019 Southeast Asian (SEA) Games,” ani Silvoza.

Samantala, bumaba naman ang overall consumer index sa 1.3% mula sa  4.6% sa third quarter.

“The lower but still positive CI was reflective of the combined decline in the percentage of optimists and increase in the percentage of pessimists compared to the previous quarter’s survey results,” sabi ni Silvoza.

Ang pagbaba ng kumpiyansa ng mga consumer ay sanhi ng mas mataas na presyo ng bilihin, mababa o walang umento sa sahod, paglaki ng household expenses, at mataas na unemployment rate.

Para sa first quarter ng 2020, ang consumer sentiment ay matatag kung saan bumaba ang CI  ng 0.1 percentage point sa 15.7%  mula sa 15.8% sa naunang quarter’s survey.

Para sa susunod na 12 buwan, ang  consumer confidence ay bumaba sa pagbagsak ng CI sa 26.4% mula sa 29.8%.

“Similar to the current quarter, the lower CI for the next quarter and next 12 months stemmed from households’ anticipation of: higher prices of commodities, no or low increase in salary or income, high unemployment rate, and increase in household expenses,” sabi pa ni Silvoza.

Samantala, nabawasan naman ang businesses confidence sa naturang quarter kung saan bumaba ang CI sa 40.3% mula sa 56.1%.

“The less favorable outlook of businesses in the first quarter of 2020 was due to lower consumer demand after the holiday and harvest seasons, decline in sales of orders, stiffer competition, and other factors such as rising prices, concerns over the African Swine flu epidemic, and fishing ban period.” PILIPINO Mirror Reportorial Team