BUSINESS, CONSUMER CONFIDENCE (Tumaas sa gitna ng bumubuting ekonomiya)

BSP

MAS malaki ang kumpiyansa ng mga negosyo at consumer sa mga darating na buwan sa gitna ng pagsisikap na buksan pa ang ekonomiya, ayon sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Iniulat ng central bank ang pagtaas sa confidence levels na naitala sa fourth quarter Business Expectations Survey (BES) and Consumer Expectations Survey (CES) tungo sa susunod na quarter, kasama ang susunod na 12 buwan.

Batay sa survey, ang confidence index (CI) ng mga kompanya para sa susunod na quarter ay tumaas sa 52.8% mula sa 31.9% sa naunang survey. Ang positive index ay nangangahulugan na ang bilang ng optimists ay mas mataas sa pessimists.

“Respondents attributed their more optimistic view to the wider availability of COVID-19 vaccines, relaxing of quarantine restrictions and increase in sales and orders,” ayon sa BSP.

Tinukoy rin nila ang pagbuti ng economic conditions, gayundin ang “prospect of recovery losses” na natamo sa mas mahigpit na quarantine restrictions, at ang patuloy na pagbaba sa mga kaso ng  COVID-19.

Ayon sa BSP, binanggit ng mga lumahok sa survey ang kaparehong mga salik para sa kanilang tumaas na business confidence para sa susunod na 12 buwan, kasama ang inaasahang pagbabalik sa operasyon ng mga negosyo.

Ang CI ng mga negosyo para sa naturang panahon ay tumaas sa 67.6%, mula sa 56% na naitala sa huling  BES.

Samantala, ang CES ay nagbigay ng indexes na 9.3% at 23.6% para sa susunod na quarter at susunod na 12 buwan.

Mas mataas ito kumpara sa 2.7% at 18.6% CIs na naitala sa CES noong nakaraang taon.

“Respondents attributed their optimism to the following expectations: (a) availability of more jobs and permanent employment, (b) additional and high income, (c) effective government policies and programs, and (d) good governance,” nakasaad sa report.