BUSINESS FORUM 2018 SA NAVOTAS

navotas

NAGSAGAWA ang Navotas ng business forum para mahikayat ang mga negosyante na alamin ang halaga at kabuluhan ng kanilang mga pagsisikap.

Ayon kay Alvin Barcelona, professional motivational at inspirational speaker, ang Business Forum 2018, na may temang “From Success to Significance,” ay dinaluhan ng 360 na mga may-ari at manager ng small, medium at large enterprises sa Navotas.

Ibinahagi naman  ni Mayor John Rey Tiang­co ang mga nakamit at mga kasalukuyang proyekto at programa ng pamahalaang lungsod.

Sinabi niya na ipinapatayo na sa Navotas ang dalawang dagdag na technical-vocational training centers; ang crematorium, columba­rium at funeral chapel; ang medical hub; ang dagdag na housing project; at ang extension ng Navotas City Hospital.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Congressman Toby Tiang­co sa mga kalahok at sinabing dahil sa mga suporta kaya patuloy na napapataas ng pamahalaang lungsod ang antas ng buhay ng mga Navoteño.

Kasama sa business forum ang open forum kung saan sinagot ng mga panelist na sina Tiangco at City Business Permits and Licensing Officer Ma­rita Trinidad ang mga tanong ng mga kalahok.

VICK TANES

Comments are closed.