BUSINESS IDEAS NA PATOK SIMULAN NG BAWAT NANAY

BUSINESS IDEAS

(ni CS SALUD)

MAKATULONG sa ating asa­wa o sa padre de pamilya, iyan ang asam ng bawat Nanay. Ngunit limitado lang din naman ang puwedeng gawin lalo na kung kailangan nating maglagi sa bahay.

Pero kung problema ninyo ang pagtulong sa inyong asawa para may maipantustos sa pang-araw-araw na pangangailangan, may mga negosyong kahit sa bahay lang ay puwedeng-puwede nating simulan. At iyan ang mga sumusunod:

PERSONAL TRAINERS

Saan ka man mapa­tingin sa panahon ngayon ay mayroong nagsu-zumba o kaya naman yoga. Ito na yata ang paraan ng marami sa atin upang ma-relax at makapagbawas na rin ng timbang.

Kaya naman, kung may kaalaman ka sa yoga at zumba, puwedeng-puwede mo itong pagkakitaan.

Dahil sa nagiging health conscious ang ilan sa atin, tumataas na rin ang demand sa personal trainers.

TUTORIAL LESSONS

Magandang source of income lalo na sa mga professional teachers ang pagtu-tutor. Sa ganitong trabaho ay kailangan lang ng karagdagang pasensiya at effort sa pagtuturo sa mga bata. Maaaring mag-tutor sa bahay ng mga bata o kahit sa iyong sariling bahay. Depende sa mapagkakasunduan.

BUSINESS IDEAS-2WEB DESIGNING

Tech-savvy na sa panahon ngayon, hindi mabilang na business organizations ang pilit na nagtatayo ng kanilang websites. Kailangan lamang ay ipakita ang iyong galing upang maibigan ito ng iyong consumers. Maaaring magkaroon ng personal blogs o mag-organize ng mga event upang mai-showcase ang iyong talento.

Gawin ding kakaiba ang pagdi-design ng website nang maraming customer ang lumapit sa iyo o handang kunin ang iyong serbisyo.

COMPUTER SHOPS

Ito na siguro ang pinakamagandang ideya na maaaring sundin dahil sa patuloy na paglobo ng demand nito.

Maaaring magsimula sa tatlo o apat na desktop at maayos na internet connection. Kailangan lamang ay baranggay at city permit para  makapagtayo ng ganitong business.

Kung may espasyo sa labas ng bahay o garahe, puwedeng-puwede mo itong i-transform nang maging computer shops.COMPUTER SHOP

PAGLALABADA

Paglalabada naman ang pinakapraktikal na ideya para kumita. Sa ganitong trabaho, kaila­ngan lang ng sipag sa pagkukusot at pagsasampay ng damit.

Maaaring mag-umpisa sa iyong mga kapitbahay na walang panahon para maglaba at maaa­ring mag-ipon para makabili ng washing machines upang makapagtayo ng iyong laundry shop.

PAGMAMASAHE

Lahat ng mga nag-oopisina sa panahon ngayon ay paniguradong nagsisipagsakitan ang katawan. Lalong-lalo na ang likod dahil sa maghapong pagkakaupo at pagtatrabaho. At para maginhawaan ang pakiramdam, nagpapamasahe ang maraming empleyado.

Kaya kung mayroon kayong kakayahang magmasahe, puwedeng-puwede ninyo itong pagkakitaan.

Maraming simpleng paraan upang kumita. Basta’t maging madiskarte lang at magsipag. (photos mula sa google)

Comments are closed.