BUSINESS MISSIONS SA PINAS

Florian Gottein

BUMUBUO ang European entrepreneurs ng dalawang business missions sa Filipinas ngayong taon sa pag-asang makahanap ng trade and investment opportunities sa waste management at construction sectors.

Ayon kay European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) Executive Director Florian Gottein, ang initial delegation na bubuuin ng mga kinatawan ng hanggang 50 kompanya, ay bibisita sa first quarter ng taon.

Ani Gottein, ang mga kompanya na kabilang sa ­unang trade mission ay magmumula lamang sa waste management sector. Karamihan sa mga kompanyang ito ay tumatanggap ng pondo mula sa European Union (EU), partikular sa malalaking ekonomiya tulad ng Germany.

Isa pang European business delegation, sa pagkakataong ito ay mula sa construction sector, ang bibisita naman sa bansa sa Nobyembre upang lumahok sa Philconstruct, ang nangungunang construction event sa bansa, ngayong taon.

Sinabi pa ng ECCP executive na ang European companies ay interesado sa infrastructure projects ng bansa sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay may 52 kompanya mula sa health care sector ng Europe ang bumisita sa bansa, ang pinakamalaking business delegation ng rehiyon sa kasalukuyan sa Filipinas.

“We remain very optimistic. This country has a huge potential. One of the main potentials is the demographics,” ani ECCP President Nabil Francis. PNA

Comments are closed.