BUSINESS NI RUFA MAE SA US HOSPICIO

Nakakabilib ang comedienne na si Rufa Mae Quinto. Kasi naman, valedictorian pala siya noong elementary at high school at magna cum laude noong college, pero ang mga role niya, pangbobita! Doon daw kasi siya nag-click kaya pinanindigan na niya.

At may isa pang nakakagulat. May negosyo pala siya sa US, ang Home Health And Hospice Care. Bonggacious! US based agad.

Madiskarte talaga ang Kapuso comedienne. Pabalik-balik si Peachie ngayon sa San Francisco, California at Pilipinas dahil may career pa rin siya dito. Kahit sa US, marami rin siyang offer na shows para sa ating mga kababayan, at dito naman, saleable pa rin siya sa GMA 7 at sa movies.

Good thing na understanding ang hubby niyang si Trevor Magallanes na siyang nag-aalaga sa anak nilang si Athena sa Amerika kapag umuuwi siya sa Pilipinas. Kapag nasa US daw siya, tutok naman siya sa kanyang anak dahil mas mahalaga pa rin ang fami­ly. Wala raw kasi silang yaya, kaya salitan sila ni Trevor sa pag-aasikaso sa anak, lalo pa ngayong nag-aaral na ito.

Aba, at naisisingit pa niya sa hectic niyang schedule ang pagma-manage sa “Home Health and Hospice.” Yun daw ang career niya sa US. Ito raw ang napili nilang negosyo para flexible rin ang oras at mas may time sila Kay Athena.

May mga shows at endorsement pa rin si Peachie sa isang bansa sa Asia pero ang tutok talaga nilang mag-asawa ay ang Hospice.  Pero tuloy pa rin ang pagtanggap niya ng mga project dahil kailangang magsipag para kay Athena.

“Hubby can take care of our daughter at may business din,” aniya.

Si Rufa Mae ay isang  actress, TV presenter, model at producer, na kilala sa pagpapatawa.

Pinasikat niya ang kanyang signature funny lines na “Go go go?” “Todo na ‘to?” Baka nga pati ikaw, sinasabi mo rin ‘yan.

RLVN