HINIKAYAT ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Lunes ang mga may-ari ng negosyo na i-report ang mga empleyado ng city hall na sangkot sa mga aktibidad ng pangingikil at panunuhol.
“Humihingi kami ng tulong sa inyo, kung may tumatanggap ng suhol o nangingikil sa inyo, paki-report sa akin,” saad ni Mayor Vico Sotto sa gitna ng flag-raising ceremony.
“Humihingi po ako ng tulong sa inyo para malinis ang ating gobyerno. Hindi ko po kayang mag-isa,” dagdag pa ng alkalde.
Pinasalamatan din ng local chief executive ang mga lokal na may-ari ng negosyo sa patuloy na pagbabayad ng kanilang mga buwis habang ipinangako niyang pagbutihin ang anti-red tape at kadalian ng pagnenegosyo sa lungsod.
Ang trabaho po naming ay siguraduhin magiging madali sainyo ang pag negogosyo sa aming lungsod.
Binanggit ni Sotto na sa nakalipas na tatlong taon ay gumawa sila ng malalaking hakbang upang mapabuti ang kumpiyansa at tiwala ng mga lokal na may-ari ng negosyo.
“Hindi naman namin sinasabing perpekto kami. Marami pa kaming dapat gawin. Pero ang pinaka-importante, tama ‘yung direksyon na pupuntahan namin,” dagdag pa niya
“Siguro nakita natin nitong nakaraang tatlong taon na napakaseryoso natin sa ating paglaban sa korapsyon dahil ang corrupt-free city ay business-friendly city,” ELMA MORALES