SUMAKABILANG-BUHAY na si Filipino business tycoon Roberto Ongpin noong Sabado ng gabi sa edad na 86.
Ayon sa kanyang pamangkin na si Apa Ongpin, si Ongpin, chairman ng Alphaland Corporation, ay pumanaw habang natutulog sa Balesin Island, isang private island sa Polillo, Quezon.
Naulila niya ang kanyang maybahay na si Monica, mga anak na sina Stephen, Anna, Michelle at Julian, at apat na apo.
Ang mga labi ni Ongpin ay dadalhin sa Manila.
Si Ongpin ay No. 23 sa pinakamayamang Pilpino, ayon sa Forbes Magazine noong 2022, na may yaman na $830 million.