HUMIHINGI ng P1.1 bilyong damages ang negosyanteng Bicolano na si Elizady Co sa kontrobersiyal na si Peter Advincula alyas Bikoy na nagdawit sa kanya kabilang ang mga prominenteng personalidad sa “Ang Totoong Narco List” video series.
Kabilang din sa hinihingan ng damages ang social media giants na Facebook at Youtube.
“The truth is finally out. By his own admission, ‘Bikoy’ said everything in the viral video series that implicates me, Misibis Bay Resort and other personalities in the illegal drug trade are pure fabrication. While my family and I are happy that this episode is finally over, our fight to clear our tar-nished name and reputation continues,” pahayag ni Co.
Nagsampa si Co ng kasong libelo laban kay Advincula at sa Facebook at Youtube noong nakaraang linggo dahil sa pagpayag na magamit ni ‘Bikoy’ ang kanilang online platfroms upang maipakalat ang mali at malisyosong impormasyon. Sinabi pa nito na ilang ulit na nakiusap ang kanyang abogado sa FB at Youtube upang tanggalin ang nakasisirang video, subalit sila ay hindi pinapansin.
“Like ‘Bikoy’, Facebook and Youtube must be held accountable. Our legal system shouldn’t allow them to be part of a systematic campaign to de-stroy people and simply get away with it,” dagdag ni Co.
Sa dalawang magkahiwalay na reklamo na isinampa sa Legazpi City prosecutor’s office nitong Mayo 14, hiniling ni Co at ng pamunuan ng Mis-ibis Bay resort na maipagsakdal ang mga responsdent ng cyber libel sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act, in relation to libel sa ilalim ng Articles 353, 354 at 356 ng Revised Penal Code.
Bukod kay Advincula, kinasuhan din ang Facebook Philippines na kinakatawan ng country director nitong si John Rubio, at iba pang hindi nakila-lang indibidwal na responsable sa malisyosong video.
Humihingi ng civil damages ang complaint mula sa respondents na umaabot sa P150 milyon sa moral damages at P100 milyon sa exemplary dam-ages at ang kabayaran ng 10% para sa attorney’s fees sa bawat isang kaso, o kabuuang P550 milyon.
Sina Co at ang Misibis Resort Management naman ay humihiling ng kaparehong halaga ng damages na P500 milyon at P50 milyon sa attorney’s fee sa ikalawang set ng respondents, para sa total civil damage claims na P1.1 bilyon.
Binigyang diin sa reklamo na ang “false, malicious at libelous accusations sa video” na nag-viral sa Facebook at Youtube na naapektuhan hindi lamang ang kanyang magandang reputasyon sa negosyo kundi maging ang operations ng sikat na resort destination sa Albay.
“I and other officers of the Complainant Corporation received several phone calls and/or messages from our business partners, suppliers, creditors, clients and some concerned individuals, inquiring about the veracity of the statements in the said video,” pahayag ni Co sa complaint-affidavit.
“Evidently, my good name, business reputation and social standing, as well as the good name, business reputation and good will of Misibis Bay Re-sort, as well as its owner, Complainant Corporation, Misibis Resort and Hotel Management Inc., which were painstakingly built through the years, were gravely tarnished, irreparably tainted and/or unduly smeared as a result of the publication of the subject video,” pagdidiin nito.
Isiniwalat ni Co na ilang bangko at financial institutions kung saan may mga malalaking transaksiyon ay nagpahayag ng pagdududa sa kanyang credit worthiness.
Noong Abril 26 ay hiniling ng mga abogado ni Co sa Facebook at Youtube na alisin na ang video, subalit hindi umano pinansin ng mga ito ang kanyang kahilingan at ang video ay nanatili sa online kaya isinama ang mga ito sa kaso.
Comments are closed.