BULACAN – IPINANGAKO ni Gov. Daniel Fernando na gagamitin niya ang kapangyarihan upang maprotektahan ang mga Bulakenyo gayundin ang pagsalba sa Bustos Dam.
Umaapela rin ang opisyal sa national government para sila ay tulungan at suriin ang dam.
Pinangunahan ni Fernando National Irrigation Administration (NIA), pamunuan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Agriculture, Engineering at Tanggapan ng Panlalawigang Tagapangasiwa para sa isang ocular inspection ng Bustos Dam kasabay ng pagkasira kamakailan ng rubber gate sa Bay 5.
Sa simula ng 2016, tinalakay ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at NIA ang pagpopondo para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Bustos Dam kung saan ang tinatayang halaga na P1 bilyon ay sasapat na upang masakop ang lahat ng gastos para sa proyekto kabilang ang pagsasaayos ng diversion dam – pagpapalit ng 6 bays rubber gates at pagpapabuti ng apron, training walls at gates, pagsasaayos at pagpapabuti ng Main at Lateral Canals at ng mga appurtenant structures, at pagpapabuti ng operasyon at pagpapanatili at suportang serbisyo. Gayunman, bumigay ang rubber gate sa Bay 5 noong Mayo. MARIVIC RAGUDOS