Ang lakas daw ng tawa ni Ruffa Gutierrez nang malaman niyang tinawag siyang “mukhang bakla.” Sino naman ang hindi matatawa kung alam mo sa sarili mong 2nd Princess ka sa Miss Universe Beauty Pageant.
Sa totoo lang, maraming beses na raw siyang sinabihang mukhang bakla pero okay lang sa kanya. Hindi raw siya nao-offend dahil kahit 47 years old na siya, flat ang tiyan niya at kilala niya ang kanyang sarili. Mas mao-offend daw siya kung sasabihan siyang mukhang buntis.
Besides, kahit tawagin daw siyang bading, okay lang talaga dahil labs niya ang mga bading at mahal din siya ng mga bading. KNM