HINDI makapaglalaro si Miami Heat star Jimmy Butler sa crunch play-in game sa Chicago Bulls ngayong Sabado sa gitna ng mga ulat na nagtamo siya ng knee ligament damage.
Si Butler ay nasaktan nang makabangga sa ilalim ng basket si Kelly Oubre Jr, na bumagsak sa kanang binti ni Butler sa huling bahagi ng first quarter ng 105-104 loss sa Philadelphia 76ers noong Huwebes.
Nanatili si Butler sa laro at tumapos na may 19 points at 5 steals subalit iika-ika sa huli.
Wala pang opisyal na pahayag sa kalagayan ni Butler subalit ayon sa media reports ay nagtamo siya ng MCL injury at ilang linggong mawawala, na magiging malaking dagok sa Miami sakaling umabante sila sa playoffs.
Sinabi ni Butler matapos ang laro na sasailalim siya sa MRI scan sa Biyernes.
Ang mananalo sa Heat at Bulls ay makakaharap ng number eight seed sa East at maisasaayos ang first-round playoff series sa Boston Celtics.
Noong nakaraang taon ay umabante ang Heat sa playoffs via parehong ruta at tinalo ang Boston sa Eastern Conference finals bago yumuko sa eventual champions Denver Nuggets sa NBA Finals.
Subalit sa pagkawala ni Butler ay tila mahihirapan sila ngayon.
“Completely two different years, two different teams, two different situations,” wika ni guard Tyler Herro matapos matalo noong Miyerkoles.
“You can’t really compare last year to this year. But we’ll continue to fight and get ready for Friday. That’s the only thing that we can do right now,” aniya.