BUTUAN AIRPORT NAGSAGAWA NG RELIEF OPERATIONS

CAAP-2

NAGSAGAWA ng relief operations ang mga tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Butuan Airport partikular sa Purok 9 Barangay Bancasi.

Nabatid mula sa CAAP na naisakatuparan ang relief operation sa inisyatibo ng isang  Communication Navigation Surveillance System Officer (CNSSO), na si Christopher Galvez para matulungan ang kanilang mga porters na walang mapagkakitaan.

Sa tulong ni CAAP area Manager Evangeline Daba na siyang namuno upang makalikom ng halagang umaabot sa P50,000 para makabili ng mga pagkain para sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa CAAP nakapagbigay sila sa mga apektadong porter ng food packs na naglalaman ng 4 kilos ng bigas, loaf bread, instant coffee packs, 1 kilo sugar, hotdogs, at cooking oil.

Nabiyayaan ang 23 bilang ng porters at 120 household sa Purok 9 ng Barangay Bancasi at sa partisipas­yon ng mga opisyales ng Butuan Airport. FROI MORALLOS