BUTUANON RIVER KONTAMINADO NG POLIO VIRUS

BUTUANON RIVER

CEBU- POSITIBO sa poliovirus ang Butuanon River sa Mandaue, ayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa pahayag ng RITM, batay sa pagsusuri sa nakuhang environmental samples ng nasabing ilog, positibo ito sa poliovirus.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakikipag-ugnayan sila sa World Health Organization (WHO) para sa wastong vaccination response na kanilang gagagawin.

Sa anunsiyo ng kagawaran, may ugnayan na sila sa lungsod ng Cabanatuan City sa Nueva Ecija at Mandaue para mapabuti ang kanilang Acute Flaccid Paralysis surveillance capacities kabilang na ang kanilang identification at reporting mechanism.

Maguguntiang binigyang-diin ni Health Sec. Francisco Duque III ang kahalagahan ng maagang pag-detect sa acute onset na para­lysis sa mga kabataan.

Kamakailan ay  kinumpirma ng DOH ang ika-17 polio case sa bansa, na isang taong gulang na batang lalaki mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM