BUWAN NG KABABAIHAN, IPINAGDIWANG NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DINALUHAN ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang embahada ng Pilipinas maging ng hepe ng Quezon City Bureau of Jail and Penology ang isinagawang pagdiriwang ng Department of Agriculture sa buwan ng kababaihan kahapon ng Umaga sa DA Compound Quezon City.

Kabilang sa mga dumalo ang kagalang galang na si Anke Reiffenstruel ng Germany, Minister Counsellor Royjar Seyuddi ng Venezuela, Ms Nor Ayu Zie ng Malaysia, Mrs Nu Nu Sein ng Myanmar, JCSupt Michelle  Bonto, hepe ng QC BJMP samantalang nag- iisang lalaki naman ang sumipot para sa Brazil na si Mr Eduardo Chikusa.

Sa proclamation No 227 series of 1998 at RA 6949 series of 1990, ang Marso  ay pormal na kinilala bilang buwan ng kababaihan kaya naman ang Department of Agriculture ay malugod itong ipinagdiriwang sa pangunguna ni DA Secretary William Dar kung saan ang DA Gender and Development Focal Point System sa ilalim ni DA Usec Evelyn Laviña ay taon taon pumipili ng kanilang  empleyado na pinararangalan bilang “Most outstanding rural women”.

Ang temang “We make change work for women” o Agenda ng kababaihan tungo sa kaunlaran ay nagpapakita kung gaano na kalakas ang mga kababaihan kung saan mayroon na silang boses sa lipunan, sari­ling desisyon na kanilang pinakikinabangan higit sa lahat mayroon na silang pantay na karapatan kagaya ng kalalakihan kung saan ang iba ay tinitingala at nangunguna sa kani kanilang larangan kagaya na lamang ng babaeng hepe ng QC BJMP JSupt Michelle Ng Bonto na siyang nangangalaga sa ilang libong lalaking bilanggo.

Kaugnay nito, inilatag ng Kadiwa Carts ang kanilang mga produktong agrikultura para sa mga dumalo ng nasabing pagdiriwang kung saan matatandaan na noong nakaraang linggo ay katuwang nito ang QC BJMP sa paglatag ng mga produkto.

Maging ang mga bag at palamuti na hinabi mismo ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang pro­binsya ay mabibili rin sa Kadiwa Cart bilang pagsuporta na rin sa negosyo ng mga kababaihan. MARIA THERESA BRIONES