MARIING pinabulaanan ni Agriculture Undersecretary for Special Concerns Waldo Carpio ang alegasyon ng 10 contractual employees na hindi makatuwiran ang pagkakatanggal sa kanila sa serbisyo.
Sa isang statement, binigyang-diin ni Carpio na ang dismissal ng mga nagrereklamong empleyado ay legal, makatuwiran at naaayon sa umiiral na mga batas at regulasyon.
Ang mga nagrereklamong empleyado na nakatalaga sa DA Farm-to-Market Road Development Program ay nagpasaklolo sa Office of the President kung saan sinabi ng mga ito na bukod sa abrupt dismissal, si Carpio ay gumawa rin ng grave abuse of authority nang ilegal na ilipat ang mga contractual mula sa ibang section para palitan sila.
Ayon kay Carpio, taliwas sa kanilang alegasyon na arbitrary at immediate dismissal, ang lahat ng complainants ay inabisuhan sa kanilang termination, 15 araw bago ang effectivity nito na mahigpit na pagsunod sa terms and conditions ng kanilang kontrata.
Paliwanag pa ng opisyal, base sa Contract of Service Employees, ang kanilang serbisyo ay saklaw ng CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1, S. 2017 and 2018 at ang kanilang serbisyo ay sakop ng terms and conditions na nakasaad sa kanilang kontrata at hindi ng Labor Code.
“They have no security of tenure and that there is no employer-employee relationship between the complainants and the Department,” ani Carpio.
Dagdag pa ni Carpio, lumilitaw sa mga dokumento na bagama’t ang kanilang mga kontrata ay valid hanggang Dec. 31, 2019, ang nasabing mga kontrata ay maaaring i-pre-terminate ng alinman sa partido, ang complainants o ang DA sa pagkakaloob ng notice in writing, 15 araw bago ang termination. Matatagpuan, aniya, ito sa item 9 ng kanilang mga kontrata.
“Further, upon verification, the alleged non-payment of salary was due to pending compliance of clearance by the complainants to the General Services Division of the Department. In fact, as far as the Undersecretary for Special Concerns is concerned, the complainants have already been cleared,” dagdag ni Carpio.
Binigyang-diin niya na hindi siya gumawa ng anumang pang-aabuso sa kapangyarihan sa kabila ng ibinibintang ng mga com-plainant.
“As previously stated, the service of contract of service personnel is governed by the terms and condi-tions provided for in their contracts. The documents will show and belie any claim of misconduct on the part of the good Undersecretary,” sabi pa ni Carpio. BENEDICT ABAYGAR, JR.